12
Sep
05

ISANG PAANYAYA

muli ay inaanyayahan ang lahat na makiisa sa gaganaping "prayer rally for truth" dito sa pamantasan ng ateneo de manila ngayong hapon.

sa ganap na 4:30 ng hapon ay magkakaroon ng "noise barrage" sa gate 2 ng ateneo at sa kahabaan ng katipunan. matapos nito, sa ganap na 6 ng gabi, ay gaganapin ang pagdiriwang ng banal na misa na pangungunahan ni fr. ben nebres, pangulo ng pamantasan. si fr. danny huang, provincial ng society of jesus, ay miyang magbibigay ng homiliya. inaasahang dadalo ang dating pangulong corazon aquino, dating kalihim ng DSWD dinky soliman sampu ng mga kasamang dating kalihim ng iba’t-ibang kagawaran ng pamahalaan na tinaguiruang "hyatt 10," at iba pang mga personalidad na kabilang sa tinatawag na "middle forces" (huwag kayong mag-alala, hindi naimbitahan sila susan, bro. eddie, at ping!). at pagkatapos ng misa sa ganap na ika-7 ng gabi pagkatapos ng misa ay gaganapin ang isang "candle lighting vigil" sa kahabaan ng katipunan.

makiisa, makiramdam, makipulso, makilahok! PAGBABAGO!

FIGHT TRUTH DECAY!




0 Responses to “ISANG PAANYAYA”


  1. No Comments

Leave a Reply